Home

Mabuhay!
Ito ang Hulagway!
Ano ba ang adhikain namin?
Susubukan ka naming sagutin.

Ang Hulagway ay imahen o hitsura,
Na nanggaling sa wikang Bisaya.
Base sa kahulugan niyan,
Ito ang papel na ginagampanan:

Sa website na ito,
Na ginawa ng isang dalaga’t mga binatilyo
Ipinapakita ang ganda nga MGA wika
Ng isang bansang puro isla

Kahit magkalayo man tayo,
Mula Batanes hanggang Jolo
Binibigkis tayo ng mga wika,
Mga wikang nagpapakita

Ng sari-sariling nilang ganda
Pati na rin ang sarili nilang mukha,
Imahen, hitsura, repleksyon,
Hulagway, ito ang depinisyon

Salitang kakaiba,
Salitang hindi maiba
Kahit nais isalin
Wika nila’y ating kilalanin.

Advertisements